14 pebrero 2009
para kay ginoong mike,
ngayon ko lang napagtanto mula sa aking laging wari'y natutlog na kaisipan na ipinahiram mo pala ang sipi ng aklat na iyon sa bisperas ng araw ng mag puso.
matagal ko nang gustong hiramin sa iyo ang aklat na iyon ngunit hindi ko alam kung bakit sa araw ng mga puso mo pa ito naalalang dalhin sa ating opisina na wari bagay nanadya ang tadhana.
mabilis ko lang binasa ang aklat sapagkat ito namay nasusulat lamang sa wikang filipino kayat hindi ko na kelangang iproseso pa sa aking isipan o literal na isaling ang mga salita upang maunawaan.
gaya ng sinabi ni binibining joyce bernal, maganda ang bagsak ng mag salita sa aklat at mabilis din akong nadala at napatawa ng ilang mga prinsipyo ng may akda tungkol sa pag ibig.
ang ibay pinaniniwalaan ko, ngunit ang ibay hindi, dahil sa aking palagay, ang pag ibig ay isang desisyon at hindi emosyon na katulad ng karaniwa'y tema ng kanyang mga sinulat.
sa aking palagay, wala ding lumigaya sa limang karakter ng kwento kaya't medyo hindi rin totoo na may kumota sa kanilang lima.
hindi ko alam pero natutwa akong magbasa ng kwento ng pag ibig na bigo ang katapusan.
muli, salamat sa pagpapahiram mo ng aklat na iyon.
maligayang araw ng mga puso kahit tapos na.
( why do i feel the sudden urge of writing a blog in the native language?)
:)
No comments:
Post a Comment